Alumni daw namin, Anong gagawin ko?



Isang araw nag mensahe sakin ang isa saakin matalik na kaibigan, tinatanong nya kung a-attend ba ako sa alumni at inimbitahan nya ako sa group chat sa Facebook. Ako ay nag mamasid muna kung ano mga kaganapan. Bali "seen zoned" muna ako dahil siyempre mga klasmeyt natin mga yan meron na high standard sa kanila (yung mga umasenso na, ako di pa saklap..)


Speaking Seen zoned pasaway etong Peysbuk!! nakikita nilang seen zoned ka or nag leave sa group. Natawa ako sa isang klasmeyt namin si Peter bakit nag left daw dapat  "Right", nag comment siya "Peter right the group".

Ayon sa pag mamasid ko 750 daw yung singil mapupunta daw sa pag papagawa ng "Covered Court" ng eskwelahan , ( siya nga pala titser yung isa namin klasmeyt duon ngayon). May mga ibang umalma dahil malaki daw masiyado yung amount na yun dahil mahirap ang buhay ngayon. At  sa totoo lang ako din ay namumulubi ngayon dahil nawalan ako pag kikitaan at ngayon sa kumputershop ako nag tatrabaho habang sinusulat etong unang post ko ngayon.

Meron isang naliligaw, natatawa ako sa isa namin klasmeyts si baranggay para  saan daw yun at anong meron?. May sumagot ng Birth Day, at nag reply naman siya ng happy birthday tol!!. hahaha ang tagal niya ma-realize ano talaga meron ( pwede naman kasi mag back read from top).

Gumawa ako ng poll, "magkano sayo" 500 or 750, at sa inaasahan yung meron kaya  sa 750 sila. nag vote din pala yung naligaw na klasmeyt namin ng 750 kahit di nya alam saan  mapupunta yun..  (hmm are you with us?).  Ako di pa ako bomoboto hahaha undecided.  Yung kaibigan ko si Raf akala Pole na flag pole ang tinutukoy ko sa kanya..

Ang sabi ko sa kaibigan ko di ako pupunta kung di sila pupunta dahil wala ako makakausap. Eh yung reply nya ganun din di daw sila  kung di ako pupunta nagpag usapan nila na mag hati sa babayaran ko sa alumni (wow mabaet tunay na kaibigan iiyak na ba ako? oi huwag). Alam  nya kasi estatus ko ngayon.

Alumni ay parang reunion ng pamilya at kamag anak iwasan natin mag tanong kung anong estatos nila sa buhay dahil baka makasakit tayo ng damdamin nang di natin alam. Hindi eto payabangan kung anong meron ka kung ano narating nila ngayon  at huwag ma inggit ( na tulad ko?) pero ok lang ma inggit pero in a good way gawin natin silang inpirasyon or mabuting halimbawa.


Salamat!

Bunos!  may patimpalak ng pinaka payat sa aming batch, akoy nanalo po! hahahah sana may feeding program ulit hahaha.








Comments

Popular posts from this blog

Disneyland Sa Pinas Posible Pala!,Fantasy World sa Batangas!

Sagot sa ULoL Android Game App mula Level 1 hangang Level 40

Sagot sa ULoL Android Game App mula Level 41 hangang Level 70